Day-1
06/27/2012
Ang sabi nya…meron sya. Pero sinisigaw nya na nagkamali lang sya. Nagkamali lang sya!
Dahil sya ay may malaking tiwala sa lahat ng may kapangyarihan.
May tiwala…May tiwala at yon lang ang pinanghahawakan nya.
Sobrang sakit ang hinusga nya. Sobrang sobra!
Gusto nyang maniwala pero sinisigaw ng kalooban nya na hwag syang maniwala dahil sa lahat ng bagay dito sa mundo ay may pag-asa. Oo pag-asa ang nasa isip nya at ang pag asa na yan ang nagbigay sa kanya ng tibay ng loob dahil may tiwala sya na ang lahat ay may darating na katotohanan at ang katotohanang hangad nya ay bunga ng kanyang pagtiwala sa itaas.
Kinasusuklaman man nya ang lahat pero umaapaw pa rin ang pag asa na nasa puso nya at isipan.
Marami man syang katanungan pero umaapaw pa rin ang pinanghawakan nyang pag-asa.
Pero minsan di rin nya maiwasang maisip paano kung tama sila? hindii hindi! Dahil hindi sila ang gumawa sa lahat ng bagay dito sa mundo. Dahil wala silang kapangyarihang baguhin ang anu mang bagay dito sa mundo. Wala!
Masakit para sa kanya ang narinig na panghusga. Pakiramdam nya tinalikuran sya ng lahat at nag iisa nalang sya. Mga katanungan kung bakit nangyari sa kanya ang husgahan nila, sya.
Ewan! basta malaking tiwala nya na ang lahat ng pangyayari ay may pag-asa. Pag-asa na bunga ng kanyang pagtitiwala.
Basta! Magalit man sya pero di nya magawa.
Basta sila na mag uusap sa kanyang pag-asa.