Sabi ko kay hubby nung isang araw, sakaling bigyan mo ┬┤ko ng gift sa anniversary natin dapat sabihin ko sayo ngayon kung ano gusto ko para maka save ka, kase global krisis ngayon. Mahal ang gasolina…

Sagot nya, pag gift dapat surpresa.

Naisip ko baka surpresa nga noh. ???

Pag anniversary kase namin, angel perfume ang lagi kung matatanggap kase angel daw ako sa buhay nya, yon nga lang angel na may sungay. Minsan tinutubuan ako ng sungay pero hindi matulis ha. lol

Abot tenga na rin ang ngiti ko, paubos na kase ang konsumo ko sa loob ng isang taon.
I love ANGEL.



Sabi ko sa kanya, gift ko sayo mag resto nalang tayo.
Yon nga lang card pambayad ko, pera naman nya. lol

Agad sagot nya, saang resto? Shempre sa chinese resto para pulido ang pagkabusog ko. (nakunsinsya ako).
Ayaw nya ng chinese foods pero game pa rin sya. Masunurin talaga. :)