March 27, 2012

Ai se eu te pego.

Habang nag dadrive ako di ko pinansin ang kantang ´to, eh kahit isa wala naman akong naiintindihan. Pero nakikita ko ang pangalan ng singer sa radyo “Michel Teló” at yon ang natandaan ko habang nagdadrive kaming pauwi ng mga anak ko.



Nang matapos ang tugtog sa radyo, laking gulat ko talaga sa anak ko. Dahil kinanta nya at ang na klaro ko lang ay, “Ai se eu te pego” at alam na alam pa ang tono. Kaya diretsahang tanong ko sa kanya, “pano mo nalaman ang kantang yan at sino ang nagturo sayo, nak?”. Sagot agad ng 4 years old ko, sa school mommy pinapatugtog ni titser. Huh!???

Sa narinig ko napatawa nalang ako sa sarili. Naisip at inakala ko kase ang matutunan ng kambal ko ay mga kinder songs. Aysus, Ai se eu te pego, pala. LoL!

Pagdating ng bahay, kanta pa rin ng kanta at nang nakababa na sa kotse, naku sumayaw pa. At sabay sabi, “mommy like this, you can dance with me.” Napailing nalang ako at dumiretso sa puter room. Tsk tsk..

Shempre na kyuryos ang ina kaya sinerch ko sa youtube, gamit ang pangalan ng singer “Michel Teló”. At nabasa ko sa wikipedia…His biggest national and international hit is “Ai se eu te pego!”, a number 1 in most European countries and Latin America.

Umiikot ngayon sa utak ko, hindi pala ako masyadong behind nito kung ano ang latest. LOL

Honga pala tapos na ang winter pero may snow pa dito. :)

mommys

She caught my attention. I respect, admire and adore her. When you have kids,enjoy each moment because time flies. Our children are not ours to keep, the intense period, stresses and wonders will pass. But the parts of ourselves, the role as a mother will remain.

Taking care of my kids is more important than anything else. They are ours to love, to help build godly character, focused goals and dreams into their lives.

December 5, 2008

Merry Christmas

Merry Christmas to all.